Bahala na si Moro Islamic Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari na idepensa ang kaniyang sarili sa Sandiganbayan matapos siyang ipaaresto nito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagpapaaresto kay Misuari ay dahil sa isang administrative case o bago pa man nagsimula ang pakikipag-usap ng gobyerno rito at sa MNLF.
Hindi naman masabi ni Abella kung may direktang epekto ang nasabing kaso sa government MNLF peace talks.
Si Misuari ay pinaaaresto ng Sandiganbayan 3rd Division matapos makitaan ng probable cause ang kaso nito kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng educational materials noong siya pa ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor.