Hindi pa nakapag-pasya ang Malakanyang kung ipagbabawal na o papayagan pa ang patuloy na operasyon sa bansa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pagdinig ng senado sa panukalang budget ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.
Ayon kay Bersamin, pinag-uusapan na sa palasyo ang issue sa pogo pero hihintayin nila na matapos ang imbestigasyon ng senado.
Iginagalang anya ng ehekutibo ang isinasagawang imbestigasyon ng mataas na kapulungan ng kongreso.
Sa oras naman na matapos ang pagdinig at nagkaroon na ng findings ay tiniyak ni Bersamin na maaari silang makipagtulungan sa pagtugon at pagdedesisyon sa issue ng POGO. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno