Nagpaalala ang Malakanyang sa malalaki at maliliit na business establishments na isang paglabag sa batas kapag nagpatupad na ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga ibinebentang produkto.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kahit pumasok na ang taong 2018, wala pang opisyal na kautusan upang magkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Aniya, ito ay dahil kailangan pang matapos ang ilang araw na paglalathala sa mga pahayagan o Official Gazzete kaugnay sa ipinasang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Dagdag ni andanar, sakaling may maputanayan na mga establisyimento na nagsasamantala sa pagkakapasa ng train law ay agad na isumbong sa dti upang maaksyunan ng pamahalaan.
Matatandaang noong nakaraang Disyembre 2017 ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN law na layuning bawasan ang pasanin ng mga manggagawa dahil sa laki ng buwis na kinakaltas sa kanilang buwanang suweldo.