Wala pa ring tugon ang Malacañang sa panawagan kay Pangulong Benigno Aquino III ng ina ng Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa death row sa Saudi Arabia.
Isang araw na lamang ang nalalabing palugit para sa OFW na si Joselito Zapanta para ibigay ang hinihinging P48 million pesos na blood money kapalit ng kaligtasan nito sa parusang bitay matapos mapatay ang Sudanese landlord.
Kulang pa ang P23 million peso blood money na nalikom ng pamilya Zapanta kaya’t umaapela si Mona Zapanta, ina ni Joselito sa Department of Foreign Affairs maging kay Pangulong Aquino upang maligtas sa bitay ang kanyang anak.
Bukas ang deadline ng pagbibigay ng blood money at sakaling mabigo ay itutuloy ang parusang kamatayan kay Joselito.
By Drew Nacino