Walang na-momonitor na banta sa seguridad ang mga law enforcement agency ngayong semana santa.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng pagdagsa sa iba’t ibang transport terminal ng libu-libong pasaherong magbabakasyon sa kani-kanilang probinsya.
Ayon kay Roque, nananatiling prayoridad ng mga law enforcement agency ang pagbibigay seguridad sa mga mataong lugar.
Nagdeploy na rin anya ng karagdagang personnel ang mga otoridad sa iba’t ibang lugar na inaasahang daragsain ng mga turista.
Nananawagan naman si Roque sa publiko na makipag-tulungan sa mga otoridad, sumunod sa mga security measure at agad isumbong ang mga kahina-hinalang indibidwal.