Lumagda sa isang friendship agreement ang provincial governments ng Palawan at Ningxia Hui Autonomous Region ng China.
Ito ang unang beses na lumagda ng kasunduan ang provincial governments ng dalawang bansa matapos ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Isinagawa ang makasaysayang seremonya sa provincial capitol na Yinchuan sa pangunguna nina Palawan Governor Jose Alvarez at Ningxia Vice Governor Wang Heshan.
Ayon kay Alvarez, layunin ng kasunduan na i-promote ang kooperasyon ng Palawan at Ningxia sa iba’t ibang paraan gaya ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya at kultura.
Umaasa naman si wang na madaragdagan pa ng 600 taon ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Tsina sa kabila ng agawan sa teritoryo.
By Drew Nacino