Muling nagbukas sa mga turista ang isla ng Palawan, na kasalukuyang nasa general community quarantine.
Kabilang sa mga binuksan ang El Nido at San Vicente long beach subalit limitado lamang para sa mga bakunado.
Nasa 700 guest naman ang papayagang makapasok sa Palawan simula Disyembre a-1.
Gayunman, nilinaw ng Palawan Provincial Government na hindi pa papayagan ang mga turista sa Puerto Princesa City habang limitado lamang sa mga local tourist ang ilang lugar. —sa panulat ni Drew Nacino