Ipinaaaresto muli ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes.
Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan, nakasaad dito na sapat ang batayan ang pagpunta ni Reyes sa ibang bansa para bawiin ang pagpayag na makapag-piyansa ito.
Binanggit din dito ang pagbiyahe ni Reyes patungong Thailand noong 2012 kahit pa may hold departure order na inilabas laban sa kanya.
Hindi din umano boluntaryong bumalik sa bansa si Reyes noong 2015 at sa halip ay doon naaresto sa pinagtaguang bansa.
Matatandaang nakalaya si Reyes matapos na ibasura ng Court of Appeals o CA ang kasong may kaugnayan sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.