Binalaan ni dating Palawan Governor Joel Reyes si Presidential spokesman Harry Roque sa pag-a-abogado sa murder case ng environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.
Ayon kay Reyes, hindi na maaaring magsilbing abogado muli ng pamilya Ortega si Roque dahil sa conflict of interest lalo’t mayroon na itong posisyon sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman din anya maaaring impluwensyahan ng tanggapang kinatakawan ni Roque ang hudikatura.
Una nang inihayag ng palace official na kinontra ng Court of Appeals ang Supreme Court nang ipag-utos ang pagpapalaya sa dating gobernador kahit pa ipinaubaya na ng SC sa Palawan regional trial court ang pagtukoy kung mayroong probable cause sa kaso.