Asahan na magiging maulap ang kalangitan sa bahagi ng Palawan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat bunsod parin ng Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon pero asahan ang panandaliang mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi dahil parin sa mga localized thunderstorm.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magkakaroon ng maulap na kalangitan sa bahagi ng Western Visayas at Zamboanga Peninsula dala parin ng umiiral na LPA kaya’t asahan ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon at gabi.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao pero may kainitan sa tanghali habang mataas naman ang tiyansa ng pulu-pulong mga pag-ulan pagsapit ng hapon hanggang gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:28 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:27 ng hapon.