Naka-heightened alert na ang mga awtoridad sa Palawan bunsod ng banta ng terorismo na ugat ng inilabas na travel advisory ng Amerika.
Matatandaang pinayuhan ng US Embassy ang kanilang mga mamamayan na umiwas muna sa pagpunta sa partikular sa Puerto Princesa City kasama na ang popular na tourist destination ang Puerto Princesa Subterranean River National Park dahil sa posibleng aktibidad ng ilang terror group.
Ayon kay Park Superintendent Elizabeth Maclang, siniseryoso nila ang naturang advisory at kumikilos na sila para mas paigtingin pa ang pagbabantay.
Bumuo na rin ang pamahalaan ng inter-agency group mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at lokal na pamahalaan para tiyakin ang seguridad sa lugar.
Samantala, bukod sa Amerika nagpalabas na rin ng kahalintulad na travel advisory ang United Kingdom at Canada.
By Rianne Briones
Palawan naka-heightened alert was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882