Itinanghal ngayon bilang pinakamagandang isala sa buong mundo ang palawan.
Ayon sa travel magazine na Travel Plus Leisure, ito na ang ikalawang sunod na taon na nanguna ang isla ng Palawan.
Nakuha ng Palawan ng high score na 93.15 kung saan pangunahing atraksyon ng isla ang mga hidden lagoons nito, magandang resorts at masaganang buhay dagat.
Samantala, pasok din sa top ten ang isla ng Boracay sa pinakamagagandang isla sa buong mundo kung saan nasungkit nito ang ikatlong puwesto.
Kabilang sa mga tinalo ng Palawan at Boracay ang Santorini ng Greece na nasa ika-limang puwesto, Maui sa Hawaii na nasa ika-anim na puwesto at Bali ng Indonesia na nasa ika-sampung puwesto.
By Ralph Obina
Palawan pinangalanan bilang pinakamagandang isla sa mundo was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882