Kinumpimrma ng Police Regional Office 4-B o Mimaropa PNP ang pagsibak sa puwesto kay Palawan Provincial Police Office Director, P/Col. Dionisio Bartolome.
Ayon kay Mimaropa PNP Spokesperson Lt/Col. Imelda Tolentino, ito’y para bigyang daan ang imbestigasyong ikakasa sa harap na rin ng sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa lalawigan.
Pinakahuli sa mga ito ang nangyaring pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit matapos tambangan ng hindi pa rin tukoy na salarin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan nuong martes.
Sinabi ni Tolentino, papalit kay Bartolome bilang hepe ng Palawan Provincial Police Si P/Col. Nicolas Torre III na siyang kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng Mimaropa PNP.
Dahil dito, itinalaga rin ni Mimaropa PNP Director B/Gen. Nicerio Obaob si Torre na pamunuan ang Special Investigation Task Group (SITG) Magcamit pero hindi pa rin aalisin dito si Bartolome upang makatulong sa mabilis na pagresolba sa kaso.