Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office ang isang palengke sa Baliuag, Bulacan.
Nabatid na nagbebenta umano ng halos 200 piraso ng ilegal na ibon ang ilan sa mga vendor sa nasabing lugar.
Ayon sa awtoridad, ibinebenta ng tig-100 piso ang kada tatlong piraso ng mga ibon na kilala bilang “uwis” at “tikling” na aabot umano sa kabuuang labing walong piso ang halaga ng mga nakumpiska.
Dahil dito, nagbabala ang awtoridad na posibleng maharap sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang wildlife resources conservation and protection ang sino mang masasangkot sa naturang aktibidad.— sa panulat ni Angelica Doctolero