Maglalayag na sa mga susunod na araw patungo sa Gaza, ang hindi bababa sa tatlong barko na may lulan na Palestenian activists.
Ayon sa mga miyembro ng Freedom Flotilla Coalition sa Palermo, Sicily, inaasahan nilang makakarating sila sa Gaza, bago ang katapusan ng buwan.
Sinabi ng aktibistang si Kalle Ohlsson, layunin ng Flotilla na magkaroon ng Freedom of Movement and Trade sa pantalan sa Gaza, at upang maiparamdam sa mga Palestino, na hindi sila nababaon sa limot.
Sa kabila nito, umaasa si Kalle na hindi sila aatakehin ng Israeli army pagdating nila sa international waters, dahil mayroon aniya silang non-violence policy.
By Katrina Valle