Aminado ang isa sa miyembro ng Palestinian national basketball team na hindi nila inasahan na mananalo sila kontra Gilas Pilipinas sa unang sigwada ng 2015 FIBA Asia Championship.
Ayon kay Sani Sakakini, sentro ng Palestinian team, na underdog sila sa laban lalo’t liyamado sa ranking ng FIBA World Cup ang Pilipinas subalit pagdating sa court ay naglaro sila para manalo sa score na 75-73.
Umabot anya ng dalawang linggo ang kanilang preparasyon para sa FIBA Asia Championship na ginaganap sa Changsa, China.
Naniniwala naman ang American coach ng Palestine na si Jerry Steele na isa sa mga rason kaya nanalo sila laban sa Gilas ay ang mga kinakaharap na hamon ng Palestinian team sa kanilang bansa na balot ng kaguluhan.
Bagaman 12 ang required player sa bawat team sa FIBA, 10 ang nasa roster ng Palestine subalit pito lamang ang naglaro laban sa Gilas.
By Drew Nacino