Binabantayan naman ngayon ng mga taga-Albay ang paligid ng bulkang Mayon dahil sa posibleng pagragasa ng lahar dulot ng mga pag-ulang dala ng hanging habagat.
Ito’y kahit pa hindi naman direktang tatamaan ng bagyong Ompong ang nasabing lalawigan na kasalukuyang nagbabanta sa Hilagang Luzon.
Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office, babantayan nila ang mga daluyan ng tubig lalo’t inaasahan nilang marami ang ibubuhos na ulan ng bagyo.
Sakaling sumampa na sa 40 milimeters ang binubuhos na ulan ng bagyo, hudyat na anila ito ng paglikas sa loob ng tatlo hanggang apat na oras.
—-