Naging ma tensyon ang umaga sa paligid ng Manila City Hall matapos makita ang kahina hinalang bagay na tila bomba sa lugar malapit sa gate kung saan dumadaan si Manila Mayor Joseph Estrada.
Kaagad rumesponde ang MPD explosive and ordnance division at napatunayang walang explosive component ang nasabing bagay.
Ayon kay MPD Ermita Police Station Chief Supt Romeo Desiderio ang naturang bagay na naglalaman ng 3 dynamite sticks, wire at isang celfon ay panakot lamang at wala talagang intensyong magpasabog.
Alas 7:30 ng umaga nang ideklara ng MPD na clear o wala nang dapat ipag alala sa lugar.
By: Judith Larino / Aya Yupangco