Nakapagtala ng isang pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa paligid ng Taal Volcano.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatili ang alert Level 1 (abnormal) sa Taal na nangangahulugan na maaaring magkaroon ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, lethal accumulations o pagsabog ng volcanic gas sa paligid ng bulkan.
Dahil dito, mahigpit na inirekomenda ng PHIVOLCS ang pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone ng Taal, lalo na malapit sa bunganga ng bulkan, at sa Daang Kastila.