Hindi pa rin pahihintulutan ang paliligo sa dagat sa Boracay Island sa kabila nang pagsasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ng buong lalawigan ng Aklan.
Alinsunod sa ipinalabas na guidelines ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), bawal ang anumang swimming activities sa mga pampubliko o commercial na lugar hanggang may banta ng COVID-19 sa bansa.
Kahapon, ikalawang araw ng GCQ, nananatili pa rin sarado ang mga resorts sa isla ng Boracay.
Samantala, nasa 20 estudyante pa na sumasailalim sa on-the-job training (OJT) sa Boracay Island ang istranded pa rin sa isla at naghihintay ng available flights pabalik ng Maynila.
Una nang nakabalik ng Manila ang 55 estudyante sa pamamagitan ng inilunsad na sweeper flights ng Department of Tourism (DOT).