Inaasahang 7 million hanggang 10 million katao ang dadagsa sa Manila North Cemetery para sa Undas 2022.
Ayon kay Jana Pacencia, Cemetery staff, ilang pamilya na ang nagsisimulang magtungo sa sementeryo para linisin ang mga puntod at dadami pa ito hanggang November 2.
Mula 2020 at 2021 isinara ang mga sementeryo bunsod ng pandemya ng Covid-19.
Samantala, naghahanda na rin ang Manila International Airport, Authority (MIAA) sa posibleng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa probinsya.
Pinaalalahan naman ng MIAA ang publiko na sundin ang health protocol at makipag-ugnayan sa airlines hinggil sa mga kinakailangan sa pagpasok. —sa panulat ni Jenn Patrolla