Isiniwalat ni Vice President Leni Robredo ang mga umano’y pag-abuso ng pulisya sa papamitan ng warrantless search ang ‘palit-ulo scheme’ sa mga mahihirap na lugar sa Metro Manila bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ayon Robredo, sa ilalim ng ‘palit-ulo scheme’ kapag hindi natagpuan ng mga awtoridad ang personalidad na nasa kanilang drug list ay ang asawa kung sinumang kaanak ng suspek ang aarestuhin ng mga ito.
Sinabi pa ng Pangalawang Pangulo na iginigiit din ng mga pulis na walang karapatan na maghanap ng search warrant ang mga nasa urban poor communities dahil sa mga iskwater naman ang mga ito at hindi nila pag-aari ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.
Ang mga naghahanap aniya ng search warrant at binubugbog at inaabuso ng mga pulis na nagpapatupad ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
By Ralph Obina