Nakatakdang makipagpulong si Vice President Leni Robredo kay Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno.
Ito’y may kaugnayan sa mga umano’y palit ulo system sa war on drugs ng administrasyon na naging laman ng kaniyang isinumiteng video message sa UN Convention on narcotic drugs kamakailan.
Iginiit ni Robredo kay Sueno nang magkita sila sa graduation rites ng PNPA na totoo ang mga sumbong na nakarating sa kanila at handa niya itong ilatag sa kalihim basta’t matiyak lamang ang seguridad ng mga iyon.
Bagama’t tinanggap naman ni Sueno ang paanyaya ni Robredo, sinabi nito na kanilang hihilingin na gawin ang nasabing pagpupulong pagkatapos ng Semana Santa.
By: Jaymark Dagala