Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lalakas ang palitan ng piso kontra dolyar sa katapusan ng taong ito.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, pansamantala lamang ang paghina ng piso at maaaring tumatag pagsapit ng Nobyembre at Disyembre.
Dagdag pa ni Edillon, hindi nabago ang halagang P51 hanggang P53 para sa 2022 at P52 hanggang P55 para sa 2023 na palitan ng piso at dolyar na itinakda noong hulyo.
Hinihikayat naman ng opisyal ang mga domestic producers at exporters na samantalahin ang kahinaan ng piso para mapataas ang kita at maparami ang oportunidad para sa mga Pilipino. - sa panunulat ni Hannah Oledan