Inaasahan ng economic team ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior, na maglalaro sa 54 hanggang 55 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar sa pagtatapos ng taong 2022.
Ito ang sinabi ng Development Budget Coordination Committee o DBCC sa pagtatapos ng periodic review noong Lunes.
Mas mahina ang pagtataya kumpara sa 51 hanggang 53 pesos na exchange rate forecast na inihayag sa pagpupulong noong hulyo.
Gayunpaman, dahil nakitang tumaas ang piso sa 2022, inaasahang magiging mas mahusay ito sa pagtatapos kaysa noong oktubre, pinakamababang exchange rate na naitala sa bansa.