Tumaas pa sa 54.985 ang palitan ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), malapit na itong pumalo sa P55 dahil sa paghigpit ng bansa sa monetary policy stance.
Nabatid na mula sa P54.70 noong Huwebes, nadagdagan ng P28.50 centavos ang local currency kaya pumalo na ito sa halos P55.
Sa ngayon, inaasahang magiging malaki ang epekto sa inflation ng bagong tala dagdag pa ang Oil price hike at pagmahal ng mga bilihin.