Posibleng pumalo pa sa P54 ang palitan ng piso kontra dolyar sa Pilipinas.
Ayon kay Kausani Basak, Head ng Financial Service Company na Asia Research Khoon Goh at Foreign Exchange Analyst, dahil ito, sa paghina ng antas ng kalakalan bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Para maayos ang hindi balanseng palitan, iminungkahi ni Basak sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaas ang interest rates.
Sa kasalukuyan, nararanasan na ng Pilipinas ang mataas na Trade Deficits bunsod ng pagtaas ng presyo ng commodities dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.