Inihayag ng dating kalihim ng Department of Agriculture (DA), hindi masama ang palitang 57 pesos kada dolyar.
Ayon kay Emmanuel “Manny” Piñol, maaari itong makapagbukas ng oportunidad para sa mga Overseas Foreign Worker (OFW) at local food producers.
Matatandaan na bumaba muli sa ika-apat na araw ang palitan ng piso na pumalo sa all-time low value nito na 57 pesos kahapon.
Samantala, umabot sa 6.3% ang inflation rate noong Agosto na mas mababa kumpara sa 6.4% na naitala noong Hulyo.