Pinaiimbestigahan ni Senate Deputy Minority Leader at Liberal Party President Francis Kiko Pangilinan sa Office of the Omubudsman ang kuwestyunableng ad placement ng Department of Tourism o DOT sa PTV-4.
Ito’y makaraang ibunyag ng Commission on Audit o COA ang pagbabayad ng PTV-4 sa production house na Bitag Media Unlimited para sa mga ad placement ng DOT na nagkakahalaga ng 60 milyong piso.
Magugunitang itinanggi na ni Secretary Teo na mayroong conflict of interest sa inilagay nilang ad placements lalo’t sa PTV-4 at hindi sa Bitag Media Unlimited na pagmamay-ari ng kaniyang kapatid na si Ben Tulfo ito inilagay.
Ayon kay Pangilinan, hindi aniya kapani-paniwala ang alibi ni Secretary Teo na wala itong kaalam-alam sa mga programang pinaglagakan ng kanilang ad placement sa government run TV station.
—-