Paliwanagan at hindi kasunduan ang tumapos sa 5 araw na protesta ng mga miyembro ng INC o Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, ipinaliwanag ng gobyerno sa INC na hindi sila pinag-iinitan o pinupuntirya ng DOJ matapos magsampa ng reklamo ang isang itiniwalag na ministro laban sa ilang pinuno nito.
Itinanggi ni Roxas na pumayag ang INC na itigil ang protesta kapalit nang pagbibitiw ni Justice Secretary Leila de Lima.
Ang pag-uusap aniya ay sumentro lamang sa pananatili ng kaayusan sa pagkilos ng INC para hindi rin masamantala ng ilang may masamang balak sa protesta.
Binigyang diin pa ni Roxas na kinikilala ng gobyerno ang karapatan ng lahat para magpahayag ng pananaw subalit kailangang isipin din ang kapakanan nang nakakarami.
By Judith Larino