Ilalaban ni retired Major General Jovito Palparan Jr. hanggang sa Korte Suprema ang apela nito laban sa hatol na guilty sa kaniya kaugnay sa pagdukot sa dalawang University of the Philippines (UP) students.
Ayon kay Jc Palparan, anak ng retiradong heneral, i-aakyat nila sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ni Malolos RTC Judge Alexander Tamayo na habambuhay na pagkabilanggo laban sa kaniyang ama.
Iginiit ng pamilya Palparan na inosente at walang matibay na ebidensya ang prosecution na magpapatunay sa akusasyon laban sa retired general.
Nanindigan ang pamilya ni Palparan sa kanilang depensa at sinabing hindi isusuko ang kaso ng ama.
Una nang naghain ng apela ang kampo ni Palparan para hindi muna ito mailipat sa New Bilibid Prison (NBP) dahil may nakabinbin pa silang kaso sa korte.