Nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP) si Retired Army Major Gen. Jovito Palparan mula sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, dinala sa NBP sa Muntinlupa City si Palparan ganap na alas-7:45 kagabi.
Mananatili muna ng 60-araw sa reception area ng NBP si Palparan bago ilipat sa maximum security compound.
Magugunitang hindi napagbigyan ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ang mosyon ni Palparan na manatili sa kustodiya ng militar.
Nahatulan si Palparan at dalawang iba pa ng mahigit 40 taong pagkakabilanggo matapos masangkot pagkawala ng dalawang University of the Philippines (UP) students na sina Karen Empeño at Sherlun Cadapan.
(may ulat mula kay Jill Resontoc)
Just In:Convicted Ex-Gen.Jovito Palparan na- turn over na ng https://t.co/YDzrGG08rG sa New Bilibid Prison Munti.ngayon gabi-Olalia/NUPL,Col.Villanueva/Army Spox @dwiz882pic.twitter.com/mTFSZzaJVl
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) October 3, 2018
—-