Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng financial institutions na sumunod sa 60 araw na grace period o palugit sa pagbabayad ng utang ng kanilang mga kliyente.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, ito’y bilang pagtalima sa Bayanihan 2 law na epektibo simula noong Setyembre 15.
Batay aniya sa batas, hindi rin dapat maningil ng interes, penalties, fees at iba pa ang mga financial firms sa kanilang mga kustomer hanggang Dec. 31, 2020.