Nakikipag-ugnayan na ang Indian Chamber of Commerce and Industry sa kanilang mga kababayang sangkot sa pagpapautang ng 5-6.
Ito’y upang gawing ligal ang kanilang lending business sa pamamagitan ng pagrerehistro sa SEC o Securities and Exchange Commission.
Sa panig naman ng DTI o Department of Trade and Industry, bibigyan pa nila ng palugit ang mga lending operators na magparehistro.
Mula sa tatlumpung libong (30,000) lending operators sa bansa, aabot sa halos dalawa’t kalahating bilyong piso ang halaga ng kabuuang operasyon ng 5-6 scheme.
By Jaymark Dagala