Inihayag ng Comelec na hanggang Nobyembre 15 na lamang nito papayagan ang mga partylist groups na magpalit ng kani-kanilang mga nominees oras na ang mga ito ay umatras sa pagtakbo sa eleksyon.
Sa isang pahayag sinabi ng Comelec na kung binawi ng isang nominado ng partylist group ang kanilang nominasyon sa pwesto ay hindi ito pupwedeng maging nominee ng grupo o ng iba pang partylist group.
Pero kung ang rason naman ay nasawi ang isang nominee, ang ‘substitution of nominee’ ay papayagan ng election body hanggang sa mismong araw ng halalan.
Kasunod nito, kinakailangan namang ilathala ng partylist groups ang tala ng kanilang mga substitute nominees at kailangan ding magbigay ng kopya nito sa Comelec.