Aminado ang pamahalaan na nananatiling hamon ang pagtuturok ng booster shot kontra COVID-19 sa bansa.
Sa Talk to the People kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na dapat na mabakunahan ang mga kabataan at maturukan ng karagdagang proteksyon ang mga nakatanggap ng dalawang dose.
Tinutulungan na rin aniya ng pamahalaan ang mga lugar na hindi pa umaabot sa 70% ng target population.
Sinabi pa ni Dizon na naabot na ng National Capital Region, Cebu City at Davao City ang kanilang target population.
Batay sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC) hanggang nitong Mayo 23, 69,037,072 o 76.70% ng target population ang fully vaccinated na.