Kinakailangang mag-“anniver-sorry” ng pamahalaan sa publiko dahil tila bumalik sa umpisa ang pagtugon nito kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Senador Joel Villanueva, kasabay ng unang anibersaryo ng COVID-19 lockdown sa bansa.
Giit ni Villanueva, dapat ay natuto na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para huwag nang maulit ang sa mga naging kapalpakan nito sa pagtugon sa pandemya.
Kung kaya’t, ani Villanueva, ngayong isang taon na tayong naka-lockdown, dapat ay makipag-hiwalayan o break-up na tayo ng tuluyan sa COVID-19.
Ito’y para makipagbalikan na ang publiko sa kani-kanilang trabaho at maayos na kabuhayan.