Hinikayat ni Las Piñas Congresswoman Camille Villar ang ilang ahensya ng pamahalaan na paigtingin pa ang pagsasagawa ng online job fairs para kahit papaano’y maibsan ang unemployment rate sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa inihaing House Resolution 1597 ni Villar, layon nito na makatulong ang naturang hakbang na maingat ang estado ng bawat Pilipino ngayong nagpapatuloy ang banta ng pandemya dulot ng COVID-19.
Mababatid na kabilang sa nais ng mambabatas na kumilos na mga ahensya ay ang Labor Department, Civil Service Commission at iba pa.
Paliwanag ni Villar, noong nakaraang taon pumalo sa tinatayang 4.5-milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho mula sa manufacturing, transportasyon, entertainment maging ang accomodation at food service.
Sa huli, giit pa ni Villar dahil nalalapit na ang pagdating ng bakuna, oras na rin anito na isaayos ng pamahalaan ang job opportunities sa bansa.