Desperado na ang pamahalaan na patahimikin ang media sa bansa.
Reaksyon ito ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN.
Ayon sa NUJP, malinaw na direktang pag-atake ito sa malayang pamamahayag at kalayaang makapagpahayag.
Malinaw naman na pulitika ang motibo ng Office Of The Solicitor General (OSG) at malinaw na gagawin nila ang lahat para maipasara ang ABS-CBN.