Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang masagip ang humigit-kumulang 500 pilipinong naiulat na na-trap sa mga scam centers sa myanmar nitong pebrero.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nakahanda ang administrasyon na tumulong sa ating mga kababayang nangangailangan.
Kaya bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagpasok ng mga Pinoy sa mapanganib na trabaho sa ibayong-dagat, ibinida ni Usec. Castro na patuloy na nagsasagawa ang gobyerno ng mga job fairs upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga manggagawa.
Umaasa ang Palasyo na sa pamamagitan nito ay mas pipiliin ng mga ito na manatili sa bansa kasama ang kanilang pamilya.
Bukod dito, patuloy ding mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipinong naiipit sa mga illegal na operasyon sa ibang bansa habang pinapalakas ang kampanya laban sa human trafficking at illegal recruitment.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)