Gumagamit na ang pamahalaan ng artificial intelligence sa mga solar-pump irrigation systems sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, ibinida ni NIA Administrator Eduardo Guillen na bahagi ito ng kanilang makabagong diskarte, kung saan namo-monitor nila ang mga irigasyon mula sa central office, gamit ang satellite, at nakikita kung gaano karaming tubig ang nailalabas bawat araw.
Ibinida pa ng opisyal na mas advanced ang disenyo ng NIA.
Binigyang diin pa ni Administrator Guillen na ang nia ay may short-term, medium-term, at long-term goals upang matiyak ang sapat na tubig sa mga sakahan. – Mula sa ulatn i Gilbert Perdez (Patrol 13)