Handa na ang gobyerno sa pagdaraos ng midterm elections sa Lunes, May 13.
Tiniyak ito ng Malakanyang matapos tutukan sa cabinet meeting nuong Lunes ang isasagawang eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, handa na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang seguridad sa halalan.
Ipinabatid pa ni Panelo ang katiyakan ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente sa buong bansa sa gitna ng mga pangambang power interruptions.
Ipinaabot din aniya ng Department of Education (DepEd) sa Pangulong Rodrigo Duterte na makakatanggap ng honoraria at travel allowance ang mga gurong magsisilbi sa araw ng eleksyon.
—–