“All systems go” na ang gobyerno para sa Manila Bay rehabilitation project, simula bukas.
Pangungunahan ang rehabiltasyon ng Department of Environment and Natural Resources katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Layunin ng proyekto na tuldukan na ang polusyon at maibalik ang dating ganda ng “Look ng Maynila.”
Nasa 5,000 katao ang inaasahang makikibahagi sa rehabilitasyon na gagastusan ng 42.95 billion pesos sa loob ng tatlong taon.
Magsisimula ang Manila bay rehabilitation ala siyete ng umaga sa pamamagitan ng isang solidarity walk mula Quirino grandstand hanggang baywalk area sa tapat ng Rajah Sulayman park.
Bukod kay Environment Secretary Roy Cimatu, inaasahang dadalo rin sa kick off sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Interior Secretary Eduardo Año.