Hindi umano dapat magsara agad ng pintuan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa posibilidad ng pangalawang wage increase kahit wala pang isang taon.
Ito ang tugon ni Senate Committee on Labor and Employment Chairman Joel Villanueva sa pahayag ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunsad na hindi dapat masyadong umasa ang mga labor group na humihirit ng umento.
Ayon kay Villanueva, tama lamang na suriin muna ng pamahalaan ang umiiral na kondisyon upang makita kung may batayan na itaas muli ang sahod ng mga manggagawa at mahalaga ring tingnan ang social at economic situation ng bansa.
Una nang inihayag ni Lagunsad na handang dinggin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang hiling ng mga manggagawa kung magkakaroon ng isang “supervening condition” o hindi inaasahang pangyayari tulad ng kalamidad pero kung wala ay mag-i-issue pa rin sila ng desisyon.
(with report from Cely Ortega- Bueno)