Nais ni Vice President Leni Robredo na makatutugon sa pangangailangan ng publiko ang mga polisiya at mga aksyon na ginagawa ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang sinabi ni Robredo sa isang online speech, aniya sa ganitong pandemya, hindi na dapat nag-aksaya pa ng panahon ang pamahalaan.
Dagdag pa ni Robredo, dapat pang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa publiko para mapunan ang pangangailangan nito ngayong marami ang naaapektuhan ng pandemya.
Binigyang diin din ni Robredo ang paglobo pa ng bilang ng mga nawalan ng trabaho, pinagkakakitaan, gayundin ang pagsirit ng mga dinapuan ng virus sa mga nagdaang buwan.
Samantala, pinasaringan din ni Robredo ang paraan ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y hindi makatutulong sa krisis.