Wala nang plano pa ang pamahalaan na bumili ng dagdag na suplay ng Sputnik V COVID-19 vaccines na gawa ng bansang Russia.
Ayon kay Health Underscretary Myrna Cabotaje, sapat pa ang suplay ng bansa sa nasabing brand ng bakuna.
Maliban dito, posible rin kasing makaapekto sa delivery ng bakuna ang nangyayaring paglusob ng Russia sa bansang Ukraine.
Samantala, inamin ni Cabotaje na bahagyang naantala ang delivery ng COVID-19 vaccines para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Pero sa kabila nito, wala silang nakikitang malaking problema sa ilan pang bakuna pero may posibilidad na tumaas ang presyo ng ilan sa mga ito dahil sa logistic issues at collateral damages
Samantala, tinitignan na rin ng pamahalaan na limitahan na lamang sa tatlo hanggang apat na brand ng COVID-19 vaccines ang kanilang bibilhin.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles