Hinihintay na lang ng pamahalaan ang abiso mula sa World Health Organization (WHO) hinggil sa pagbili o paggamit ng Pilipinas ng mga bakuna ng smallpox na gagamitin laban sa monkeypox virus.
Ayon kay National Taskforce against covid-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, wala pang inilalabas na panuntunan ang who hinggil sa naturang sakit.
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, nasa 80% epektibo ang bakuna ng smallpox laban sa bagong virus na matagal nang ginagamit sa Africa.
Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.