Hinimok ni Sen. Francis Pangilinan ang pamahalaan na tumugon sa panawagan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay ng drug-related killings sa bansa.
Ayon kay Pangilinan, mahalaga ang kooperasyon ng bansa sa nabanggit na imbestigasyon ng U.N..
Binigyang diin ng senador na dapat bigyang daan ng executive department, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang gagawing pagsisiyasat ng U.N. hinggil sa usapin.
Dapat din aniyang pag-isipang muli ng mga mambabatas ang tungkol sa drug war policy ng administrasyon at humanap ng tunay at pangmatagalang solusyon sa problema sa droga sa bansa.