Nanawagan ang pamahalaan na dagdagan ang volunteers para sa 2nd round ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ program na magsisimula, bukas December 15 hanggang 17.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, nasa 7 milyong indibidwal ang target mabakunahan sa national vaccination drive.
Sinabi pa ni Nograles, wala na aniya magiging problema sa suplay ng bakuna kung saan boluntaryo ang kailangan para sa 3-day vaccination drive.
Samantala, hinimok ng palasyo ang mga hindi pa bakunado na magtungo sa mga alinmang vaccination sites dahil kahit walk-in ay pinapayagan na makatanggap ng bakuna.