Humingi ng paumanhin sa senado at mamamayan ang pamahalaan hinggil sa sunud-sunod na aberya ng mga tren ng MRT-3 na nagdulot ng perwisyo sa libo libong paahero.
Ayon kay transportation undersecretary Cesar Chavez, ang madalas na pagkakadiskaril at pagtirik ng mga tren ng MRT-3 ay dahil umano sa kakulangan sa permanent engineers, sobra sobrang pasahero at kabiguan ng maintenance providers.
Una nang sinabi ng maintenance provider ng MRT-3 na Busan railways incorporated na hindi maiiwasan ang mga aberya sa MRT dahil sa system errors at luma na ang tren at riles nito.
Matatandaang kahapon, tatlong beses nakapagtala ng aberya ang MRT kung saan kinailangang bumaba ng tren ng mga pasahero.
By Ralph Obina
Pamahalaan humingi ng paumanhin hinggil sa sunud-sunod na aberya sa MRT-3 was last modified: May 23rd, 2017 by DWIZ 882